
ang mga sumusunod ay palihan ng tula mula sa reaksyon ng
isang kaibigan sa aking tula na nagsasalarawan sa aking sarili.
ikaw ay paru-paru
ni: ellaine janda
marahil isa ka ngang paru-paro…
kung hihilingin mong iguhit kita,
paumanhin, hindi ko kaya…
hindi kayang isalawaran ng mga linya ang iyong kabuuan
ni kulungin ng mga hugis ang iyong mundong ginagalawan.
sapagkat matama ko mang isipin…
paano bibigyang buhay ang iyong katauhang walang ibang kulay
maliban sa pula?!
apropos to “ikaw ay paru-paru”
ni: lansangan
ako nga ay isang paru-paru.
malumanay at sinusuyo ng matingkad na
kulay ng dugo ang aking pagkakakilanlan.
mahirap ikulong sa mga lente at kahon
na nais igapos ang aking mga pakpak.
mailap at palaboy ng marahas na
parang ng nabubulok na hardin.
subalit sa aking tingin, lahat tayo ay paru-paru.
sinusuyo ng ibat ibang kulay subalit lumalaban
sa harap ng laksang pangamba.
hindi kailan man maigapos ang pakpak
dala ng wagas na pagsuyo sa mga api.
nananatiling lagalag ng hardin na
nabubulok upang wakasan ito.
ako nga ay paru-paru sublait hindi kailanman nag-iisa.
ikaw rin ay paruparu. pula, berde,
lila, indigo o ano pa man.
wala akong pakialam
sa hangganan ng tagumpay tayo ay babalik
sa ating mga hinabing kanlungan sa piling ng mga api.
“sa hangganan ng tagumpay tayo ay babalik
sa ating mga hinabing kanlungan sa piling ng mga api.”
nice!!!
babalik ako
at magbabasa
magbabasa
para matuto
matuto
para lumaya
……
salamat sa paglundag
mabuhay ka!
melai,
at lumaya, at magpalaya
at palayain ang iba…
hanggang sa muling pagbabalik
wilson
[...] Binalikan ko ang isang blog na binalikang-lundag ko noong nakita ko siya sa cbox ko. Nakita ko sa isang entry niya ang isang tula na binigyang reaksyong patula rin ng sabi niyang kaibigan niya. [...]