Sa Casiguran pa lang ay inimbitahan na ako ng mga lawyers ng SALIGAN na dumalo sa primier ng pelikukang Lupang Hinarang. Hindi naman malayo sa aking mga adbokasiya ang repormang agraryo kaya madaling magdesisyong sumuporta dito.
At dahil din nakatulong humubog ng aking kamulatan at kamalayan ang mga pelikula ni Ditsi Carolina gaya ng Minsan Lang Sila Mga Bata, Riles at Bunso…inasahan ko na ang kalidad ng kanyang pelikula sa Lupang Hinarang ay magaling. At hindi ako nabigo.
Ang pelikula ni Ditsi sa kanyang mga sariling salita ay isang work in progress, subalit matingkad na agad na sandata para sa adbokasiya ng mga magsasaka. Naipakita nito ang mga hirap, pasakit at tagumpay ng mga magsasaka ng Task Force Mapalad at Sumilao Framers.
Ang detreminasyon ng mga magsasaka ng Negros sa kanilang 29 na araw ng hunger strike ay nagsalamin ng marahas na kalagayan sa mga lupang panakahan. Mga lupang pagmamay-ari ng ng mga tao na pilit pa rin kinkamkam ng mga panginoong may lupa. Sabi nga ng isang magsasaka, “Mas gusto ko pang mamatay dito sa paanan ng DAR ng lumalaban dahil pinapatay din nila kami duon.”
Malikhain din at determinado ang paglalakad ng mga Sumilao Farmers ng 1, 700 mula Bukidnon papuntang Manila upang rehistro ang kanilang kaso. Mga lupang inagaw at niraragsa ng agresyon ng kaunlaran para sa iilan. Ang kanilang halimbawa ng matiwasay na kampanya ay pumukaw ng mga isipang natutulog na at nagtutulog-tulugan.
Ngunit ang pelikula ni Ditsi ay lagpas pa sa mga hirap at tagumpay ng mga magsasaka. Maingat at matalinong nailapat rin ang kritiko sa JR19 na pumapatay sa CARP at repormang agraryo. Malinaw ang hamon sa pelikula na kailangan kumilos ng mamamayan para isalba ang CARP. Malinaw rin na ang alternatibo ay ang CARPER na nagbibigay diin sa land acquisition bilang gampanin ng pamahalaan para sa mga nagbubungkal ng lupa.
At sa kasalukuyan ay inilunsad na at muling naglalakad ang iba’t – ibang mga magsasaka para sa kanilang adbokasiya ng CARPER. Papalapit na sila sa kanilang leg dito sa Manila para kalampagin ang mga institutsyon ng gobyerno lalo na dahil patapos na ang 6 na buwang extension ng CARP.
At ang maganda dito ay mayroon tayong puedeng iambag sa kanilang kampanya:
1. Magsulat sa inyong mga blog ng inyong mga pananaw sa usapin ng Agrarian Reform.
2. Mag sponsor ng film showing ng pelikulang Lupang Hinarang sa inyong mga campus.
3. Ipaalam sa inyong mga kapamilya, kaibigan o mga kakilala ang usapin ng CARPER.
4. Tumulong sa fund-raising para sa kampanyang Lupang Hinarang o bumili ng mga advoacy shirts.
5. Gumawa ng mga malikhaing materials para sa kampanya.